Thursday, September 27, 2007

Bakit walang Con Artist sa Pinas? (wala nga ba?)

Last Saturday naisipan kong manuod ng DVD, partida may sore eyes ako masakit sa mata pagnatatapat sa anumang liwanag pero kahit ganun nanaig ang hangarin ko na manuod para malibang, nakakaboring kasi sa bahay eh...

Meron akong 12 in 1 na dvd un ang sinalang ko, pero bago ko siya isalang nakapagdesisyunan ko na ang papanuorin ko ay....

MATCHSTICK starring Nicholas Cage

...yun ang napili ko kasi siya lang ang sikat na artista dun sa 12 movies sa DVD eh. Habang pinapanood ko ang movie eh napapagaya ako kay Nicholas na napapapikit na ewan.... long story... pero ang Matchstick eh tungkol sa con artist sa tagalog eh manggagancho di lang basta manggagancho siya ay BIGTIME MANGGAGANCHO.

Naisip ko lang bakit kaya walang con artist dito sa pinas? as in yung kagaya ng ginagampanan ni nicholas cage? well dahil siguro ang pinas eh maliit lang konting tingkayad lang magkakakitaan na kayo, isa sa rules pag con artist eh dapat daw di ka sa bayan mo manggagancho kasi nga naman madali mabuko eh pagdito sa ating bansa bukod maliit ang ating bayan madai pang chuchu hehehe saka marami na tayong ahensya na nagbabantay sa mga ganyan at meron pa tayong Mike Enriquez "DI NAMIN KAYI TATANTANANANANANA", Tulfo Brothers "ISUMBONG MO KAY TOLPU" at Julius Babao "Julius!!! Yes Dear!", sila ang mga taong handang tumulong sa mga taong naaapi, sila ang mga galit sa nangaapi.

Isa na rin sa dahilan kung bakit walang professional con artist dito sa atin kasi di naman kalakihan ang mahihita mo sa kapwa mo pinoy. Mahirap ang ating bayan, maraming mahirap na Pilipino. Magpayaman muna tayo baka may mga magsulputan diyan...

Pero habang pinipiga ko ang utak ko para may matype eh naisip ko na may mga con artist pala tayo. Andyan ang mga ngiiscam, pyramiding diba? pero ang pinakaBIGTIME na siguro na naisip ko eh ang mga Politiko wow! Ang galing meron pala tayong PROFESSIONAL CON ARTIST! Syet!

Ang Simula

Syet! Blogger na ata ako...