Wednesday, October 24, 2007

Kwentong Buhay Buhay...

"Hay buhay parang bato it's hard"

Naririnig ko yan sa isang radio station. Pero wala lang yun may mailagay lang na intro.

Gusto ko lang magshare ng saloobin tungkol sa mga pangyayari sa aking buhay.

Noong isang linggo ginimbal ako ng isang balita na ang barkada ko nasa ospital... na dengue siya, stage 2 na siya at di ko alam kung ano ung stage 2 un ang masaklap. Haaay pang-ilang kaso na ng dengue un sa amin nakakainis kasi ang dami daming kumakandidato para sa barangay election sa aming village di man lang nila naisip na mag-pausok (hindi usok ng chongke ok) o kung ano man tawag dun... sana may umaksyon sila at sana maging ok na ang barkada ko.

Isa pang kwento sa nakakainis tungkol sa barangay election. Bakit ganun kahit bawal ginagawa pa din nila? Di ba bawal magsabit ng election banners sa kawad ng kuryente? Pero anak ng kalungkutan isang gabi pag-uwi ko galing date este trabaho may naglalalagay ng mga banners sa maninipis na kawad ng kuryente sa amin kundi ba naman kayo tinamaan ng lintik pag kayo nakuryente sabihin nyo chamba TDP!!! Dapat ung mga nasa banner na tumatakbo automatic disqualify paglumabag eh pero sadyang walang pangil ang mga nagpapatupad ng batas dito sa atin eh...

Napansin ko... ilang araw ng walang trapik, di ko alam kung dahil ba sa late na ako umuuwi or may trauma pa ang sambayanan sa ngyari sa Glorieta, nakakatakot nung nabalitaan ko yun natakot ako pero ng nalaman ko na LPG lang daw ang dahilan sabi ko buti na lang pero di pa natatapos ang araw may mga kumalat na na-email ng bombing nakakatakot ang itsura kaya ba ng LPG ang ganun kalaking pagsabog at pagka-wasak ng establishimento? Weird eh? Maraming espikulasyon kung sino at ano ang may sala kagaya ng:

1. LPG nga daw
2. Militar daw
3. Panakip butas daw sa isyu tungkol sa rehimeng Arroyo... daw
4. Terorista daw
5. Si Trillianes daw at
6. Si Daw Ming Ze daw!

Anak ng kalungkutan naman na daw na daw yan oh?...

Lumayo naman tayo sa nakakabwisit na problema ng bansa problemang magtasyot naman tau... Pano kung niloko ka ng BF/GF mo anong gagawin mo? ako depende siguro sa panloloko niya... worst na siguro ung ibigti ko siya gamit ang barb wire. Pero bakit nga ba may manloloko? bakit ba kailangan maghanap pa ng iba? ako sa totoo lang naiisip ko yun pero di ko kayang gawin napakabait ng Gf ko para lokohin at gaguhin...

Hay alas nwebe na sige trabaho na...

1 comment:

Unknown said...

pati ba naman si daw ming zi...