Monday, October 8, 2007

May Payong pero di naman uulan at ang iba't ibang walang ka turturyang kwento (me masabi lang)

T****D*******E na buhay toh! Dalawang sunod na araw na! Ang laki laki ng dala kong payong pero di naman umuulan. Lage lang makulimlim letse! Pero di naman umuulan...

Napansin nyo ang sensored na word sa intro? Yan ang word na naimbentong word ni Jayson Ganir actually galing yan sa isang nakakainis na tao pinagkatuwaan ta warlah! instant mura! Mura as in #!@&% di yung partner ni mahal.

Masaklap! 1 month akong busy sa panunuod ng LOST nakakaadik. Napanood ko na ang season 1 and season 2 kulang ko na lang ang season 3, end of the month meron na akong kopya pero sad to say... I have no time para panuodin siya di ba masaklap!

Team Building! Enjoy! Bakit? Naglaro kami ng paintball ang astig!... Mapakla at masakit! enjoy!.... Pero after ng game nagdinner kami, bonding, kulitan. Naisip ko mag-iisang taon na ako wala pa din akong natututunan. Gusto kong matuto pero mahirapan ako ng walang umaalalay sa akin. Nagplan ako mag-aral ng short course noon... pero dahil sa team ko narealize ko na wag na lang aksaya lang sa pera. Sabi nila puro basic lang ang matutunan mo at halos nakikipagsabayan lang matuto ang mga instructor.

Love! Very much happy... Kuntento... yun nga lang medyo may problem sa bahay... pero sana maging ok... sana...

Bataan! Sorry guys di ako makakasama. Alam nyo na ang reason... Sorry!

Book ni Bob Ong! Mali yung expectation ko kala ko kagaya siya ng mga nauna niyang libro gaya ng STAINLESS LONGGANISA na halos puro kwento sa buhay na may aral. Pero hindi isa siyang nobela ang astig ng pagkakagawa may pagkababoy nga lang at salitang kanto ang mga gamit. Kung isasa-movie kaya yun sino kayang pedeng gumanap? hehehe

1 comment:

Unknown said...

Wow special metion pala ako d2 heheh
TDP ka =D !!!