Sunday, November 4, 2007

AMBAK! Paduguin ang utak

Yey! After 9 days of boring vacation... Ako'y andito na muli.

Namiss ko ang mga MP3 ko sa trabaho... Kaya eto rakrakan na! Simulan na ang pagpiga sa kapiranggot na utak... WACHA!

Game!

Simulan natin sa boring ko na bakasyon... walang magawa kasi eh same routine gising kaen labas ng bahay punta ng kort tignan kung may naglalaro pagwala uwi pagmeron lalaro pagdi makalaro uwi tambay sa bahay kaen labas ng bahay punta ng kort tignan kung may naglalaro un at un lintek pagdating ng gabi nako mas lalong nakakabagot hinihintay kong matapos ang mga telenovela para makapanood na ako ng Death Note na hiniram ko pa sa kaibigan ko kasi naman yung Lost Season 3 di pa ko nakakalahati yung bakasyon ko tapos na kayamot haaaaaaay... mas masarap pa rin ang pumasok sa trabaho pero mas maganda sana kung sa eskwela ako pumapasok eh huhuhu miss ko na pagiging estudyante.

MALIGAYANG PAGBABALIK MAHAL NAMING PANGULO!
Syet nakalaya na pala si Erap! Isang maliking banner ang nakapaskil ang nakita ko sa San Juan. Talagang mahal na mahal ng mga taga-San Juan si Erap ... in the other side kahit sandamakmak na problema na ang kanyang napagdaanan di pa din nawawala ang mga taong sumusuporta sa kanya haaay marami pang nagmamahal madai pa babae hehehe



Barangay Election ulol nyo!
Dumating ang araw ng eleksyon (Oct. 29 ata un eh). Hindi ako bumoto kakawalang gana eh... Ganun din magkukurakutan pa rin naman sila... sa aming lugar 2 baranggay ang madaing kumandidato bilang Capitan, kagawad at SK ek ek bakit kamo? Aba'y umuunlad na kasi ang dalawang barangay na toh kabubukas lang ng PURE GOLD sa san juan at nababalitang may itatayo pang Robinson sige isama na natin ang Manila East na matagal ng itinayo... ANg SM city Taytay na magbubukas sa Nov. 9 tiba tiba ang mga taga barangay dolores balita ko 40 above ang tumakbo bilang kagawad! HUWAAAAAT ano yan senatorial electction ang dami noh? ang tanong! BAKIT kaya madaming tumatakbo? Malaki kita?... Aw sapul?

Opening Ng PureGold.
WOW! may Pure Gold na sa amin malapit lang sa amin weeeeeeh sabi nung opening madai daw artista si Sergio daw pumunta si Jolens pati nga daw si Blue Zaido eh so? Pake ko basta ako masaya kasi may malapit na bilihan ng shawarma ayus!

Happy Halloween!
Letse! Di man lang ako natakot... Nung bata ako nanginginig na ako sa takot pagkarinig ng November syete matanda na talaga ako huhuhu namimiss ko tuloy yung Halloween special ng magandang gabi bayan huhuhu

Iisa ang sinasabi nila pagnakikita nila ako...
"ANG TABA MO" lumobo na talaga ako waaaaaaaah ayoko lang mg fitrum kasi tae ka ng tae tae naman oh pururut pa waaaaaaah natatamad pa akong mag diet at mangexercise huhuhu

Magbibirthday na ang honey ko!!!!!!!!! ano naman kaya ang magandang regalo? HELP HELP!

No comments: