Monday, November 12, 2007

"MAGPAKAPINOY KA!"

"MAGPAKAPINOY KA!"

Yan ang sigaw ng mamang driver ng FX na sinasakyan ko... May nakaparada kasi na Van sa maliit na kalsada at ito ay malaking abala sa mga sasakyan na kasunod niya.
Napaisip ako bakit niya nasabi ang katagang yun? Sadya bang pasaway ang Pinoy? Oo para sa akin alam ko dahil dugong Pinoy ako masakit man aminin di ako bulag sa kapalpakan ng Pinoy.

Isang napakagandang halimbawa ang Sign sa marcos hi-way (na di ko alam kung andun pa) Bawal "Tumawid Nakamamatay" nung una ko tong nabasa naisip ko na nakakainsulto pero pinagmumukhang tanga ang tao para sa babalang ito DUH! siyempre pagtumawid ka at may mga sasakyan, plus hi-way pa eh DEDz! ka talaga pagnasagasaan ka... pero bakit may mga tumatawid pa din? Di umubra ang babala, nakasulat lang yan di dapat paniwalaan hanggat di naeexperiece tangena parang MULTO!

Isa pang katibayan ang pagiging pasasaway ng pinoy, sa Guadalupe "No Vendors Allowed" pero katabi ang sandamakmak na vendor ng kung ano ano...

May mga batas tayong sinusunod pero ultimo ang mga mambabatas sinusuway ito... Ang mga politikong dapat itunuturing na modelo ng isang lugar ay sila pang nangunguna sa paglabag...

Mag-isip ka ng magagandang bagay na ginawa ng Pinoy at sasakit ang ulo mo, pero mag isip ka ng bagay ng kapalpakan natin eh panis na panis sayo ito, parang natutulog lang...

Bakit si Manny Pacquiao binibigyan ng heroes welcome? Bakit ang ibang boxengerong nagbigay sa atin ng karangalan di man lang nakaranas? makaranas man sabit lang... Palpak!

Balik tayo kay manong driver... matapos ma-high blood, tuloy ang biyahe pero ilang saglit lang isang Patrol ang humarang sa amin... colorum ang sinasakyan ko na shuttle/fx... tsk tsk tsk PASAWAY! di yan sinuhulan ni manong ang mga pulis na nanghuli sa kanya at pinagyabang pa niya na pulis din siya napakagaling...

Pinoy ako! Tanggap ko pasaway tayo... pero di ako nawawalan ng pag-asa na balang araw... puputi ang uwak.

No comments: